• Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
ARIEL SUGUITAN: ang kanyang PAGPAPAHALAGA at PAGTANAW NG UTANG NA LOOB ang bumuo ng KABALIKAT PDF Print E-mail
User Rating: / 1
PoorBest 
Written by Gil Dela Torre   
Tuesday, 23 February 2010 21:39

altKAARAWAN ni ARIEL SUGUITAN 10-01K ngayon ika 24 ng Pebrero. Si Ariel ang nagpasimula sa pagkakatatag ng Kabalikat. Kung hindi sa suporta niya ay wala ring naitayong Kabalikat at di rin sana tayo magkakasama ngayon. 

Dahil sa magandang luob ng magiting na Isabelenyong si Ariel Suguitan nagkakasama tayo ngayon sa samahang ito.   Nagsimula ang Kabalikat nuong 1990 sa pagkakaluob niya ng portable radio Icom 02AT at Base Icom 25A. Dahil dito nagsimula ang pakikipag talastasan sa mga nagraradyo sa Metro-Manila at mga karatig puok. Minarapat ng may akda na ipamulat sa lahat na kung saan ang sumulat nito ay nagpapahalaga sa mga naging bahagi ng Kabalikat sa paglago ng samahan ay ipinababatid sa mga babasa ng sulating ito na lubhang napakahalagang katangian ang pagiging may respeto o utang na luob sa mga bumuo nito.

Maaaring samahan ito na kung saan  tayo'y magsasakripisyo upang makapaglingkod sa kapwa subalit ang kaligayahan at biyaya na ating nakakamit sa ating sarili ay hindi mababayaran ng salapi o ng anuman sa balat ng lupa. (Wika nga: Money has never yet made anyone rich. Marami ngang salapi ang isang tao kung wasak naman ang kanyang buhay e.g.Sira ang Pamilya: drug addict ang anak, nabuntisan ang anak na babae, kumakaliwa ang asawa dahil di napapansin at busy sa pagkita ng pera, at marami pang iba. Hindi siya masaya sa kanyang buhay. Mapalad pa ang pangkaraniwang tao hindi makaranas ng ganitong kapighatian sa buhay. Mayaman nga pero masaya ba siyang tunay?)

Nagsimula ang unang broadcast ng Kabalikat sa Emilia Building sa Sampaloc, Manila. Ang antenna nito ay nakaluklok sa taas na halos 15th floor. Dahil dito, naging epektibo ang pagtatayo ng samahang Kabalikat dahil na rin sa malaking suporta ni Ariel Suguitan sa Punong Tagapagtatag (10-01). Ang pasimulang paghihimpapawid ay nakapagtala ng maraming radio modulators na naghahangad magkaroon ng matibay na samahan ng pagraradyo na handang tumulong sa mga biktima ng sakuna at mga nangangailangan lalo na sa panahon ng kalamidad at emergency. Sa ganitong kadahilanan, nagsimulang maitatag ang Kabalikat sa pagunguna ng may akda.

Ang unang 7 bumubuo sa pagkakasimula ng Kabalikat ay sina: Greg Pasicolan (10-02), Mars V, Lopez (10-03), Warren Gutierrez (10-04). Jayphil Sese (10-05), Miko Legazpi (10-06), Mayo Palomera (10-07) at ang inyong lingkod at may akda nito, Gil de la Torre (10-01).

Sa pasimula, pinagsikapan ng may akda na maikalat ang dakilang mithiin ng samahan Kabalikat na makapaglingkod sa kapwa. Dumami ang naitayong Kabalikat dahil na rin sa bayahihang diwa ng maraming kasapi nito. 

Sa kasalukuyan, ang Kabalikat pa rin ang nangugunang samahan na tumutulong sa komunidad saan ka man naruruon at may mga aktibong network sa iba't ibang lugar sa mundo.

 

Last Updated on Thursday, 25 February 2010 21:25
 
 

Who's Online

We have 18 guests online

Visitor Map

Proudly Pinoy!