• Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Masigasig is Kabalikat 707 PDF Print E-mail
User Rating: / 2
PoorBest 
Written by Gil Dela Torre   
Sunday, 29 March 2009 00:22

alt

Matagumpay ang pagkakatatag ng bagong transport group Masigasig KB 707 sa NCR kahapon, Sabado Marso 28. Isa ito sa 3 grupo na sumali sa Kabalikat Civicom na binubuo ng nga transport operators. Pinangunahan nina Overall Transport Groups of Communicators Chairman Bishop Jimmy Soriano 700-01 kasama sina Frank Nerpio 77-01, pangulo ng Kaagapay KB77; Leo Datlag 700-3, pangulo ng Servanthood at si Vittdamson Villar 700-15, dating pangulo ng huling naturan. Makikita sa larawan ang mga opisyal at ilang kasapi na masiglang dumalo sa orientation na pinamunuan ng punong tagapagtatag na si Gil de la Torre. Binubuo ng mahigit na 50 aktibong kasapi ay pinamumunuan ni Rene Aruta 707-01 ay nagpahayag ng masidhing pagsapi sa Kabalikat Civicom at nakahandang itaguyod ang mga nalalapit na Sumvac operation at ang pagpapalisensya sa NTC ng kanilang mga radyo. Kahapon, ang grupong Masigasig KB707 ay isa sa tatlo na una sa kinilala ng punong tagapagtatag Gil de la Torre. Binabati ng samahang ito ang mga Kabalikat 707-Masigasig ng maalab na Welcome! Halina, tuloy po kayo sa Kapatiran ng Kabalikat Civicom. 

Last Updated on Friday, 29 May 2009 04:43